[Sandara-Park] [sandarapark] August 07, 2005
Kasalanan ko ba kung bakit humagulgol si Katrina Halili?
Dondon Sermino
august 07, 2005
Dapat ba akong ma-guilty na umiyak o humagulgol si Katrina Halili sa
tanong ko?
Sa presscon ng Sablay Ka Na, Pasaway Ka Pa ng Cine Suerte Films,
pinag-usapan ng grupo ng mga manunulat ang tungkol sa kaseksihan ni
Katrina.
Sabi nga, sa lahat ng mga kabataang babae ngayon, si Katrina
talaga `yung puwedeng ipansabak sa pagpapaseksi sa harap ng kamera.
Unang-una, malaki nga ang boobs ni Katrina at may landi ang dating ng
kanyang mukha.
Pero sabi ni Katrina, wala sa plano niya ang maghubad sa pelikula.
Pero, ayaw raw niyang magsalita nang patapos, dahil baka maiba rin
ang timpla ng hangin sa hinaharap.
"Hindi pa lang po ako ready sa ngayon. Pero, depende po siguro sa
project," hirit ni Katrina.
Sa sinabi ni Katrina, may posibilidad nga na sundan niya ang yapak
nina Ara Mina, Aubrey Miles at Joyce Jimenez noon.
"Pero sa ngayon, hindi pa po. Siguro, pag maganda talaga ang project.
Malay natin, bukas pumayag na ako, `di ba? Ha! Ha! Ha! Ha!"
humahalakhak na sabi pa ni Katrina.
Sa puntong ito, ipinagdiinan ko sa harap ni Katrina na malakas talaga
ang sex appeal niya sa mga barako. Na kung ikukumpara siya kina
Nadine Samonte at Angel Locsin, siya talaga ang may taglay-taglay ng
katangian na hinahanap ng mga barako.
Ipinaalala ko pa kay Katrina na noong kasali pa siya sa StarSruck,
nagkomento si Tita Lolit Solis tungkol sa kanya, na masarap siyang
alagaan, dahil mukha siyang matapang, palaban at malakas ang loob na
gumawa ng mga bagay na hindi kayang gawin ng ibang kasabayan niyang
artista.
Prangkahan pa rin naming sinabi sa kanya na ang appeal talaga niya ay
pang-bold. Eh kasi nga, mukha talaga siyang masarap hubaran at
bosohan.
"Ganu`n? Hindi naman siguro! `Di sana napag-iwanan na ako kung pang-
bold lang ako!
"Sinabi na nila `yan sa akin dati, na hindi raw ako mabibigyan ng
break. Pero ngayon, nandito pa rin ako!" reaksyon ni Katrina.
Iginiit namin kay Katrina na dapat ay matuwa siya, na maraming lalake
ang nagnanasa sa kanya? Mas pangit naman kasi na nag-aartista nga
siya, pero wala naman siyang dating sa mga tagahangang lalake.
Sa puntong ito, bigla na lang namula ang mga mata ni Katrina. Kasunod
din agad ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
"Eh kasi, iba naman po ang sinasabi nila sa akin dati!" hirit pa rin
ni Katrina na patuloy ang pag-iyak.
Sa totoo lang, nagulat ako sa pag-iyak ni Katrina. Hindi ko
maintindihan kung bakit bigla na lang tumulo ang mga luha sa kanyang
mga mata.
Dahil sa inasal niya, nagtuksuhan na ang mga kasamahan kong
manunulat. Pinaiyak ko raw si Katrina. Sinaling ko raw ang mahinhing
puso nito.
Sinaktan ko raw ang damdamin ng dalaga.
Talaga? Parang hindi naman ganu`n ang intensyon ko nu'ng ipagdiinan
ko sa utak niya ang kakaibang ganda niya. Ipinilit ko kay Katrina na
hindi siya dapat umiyak sa sinabi ko.
Na dapat nga ay matuwa pa siya, na sa dinami-rami ng mga babae ngayon
ay siya lang ang nasisilip ng maraming lalake na puwedeng
makapagpasaya sa kanila.
"Kasi naman, ehÂ…" say lang niya habang patuloy na umiiyak.
"Iyakin po talaga ako," dugtong pa ni Katrina.
Eh, ano ba talaga ang dahilan at umiyak siya? Ayaw ba niya na
sinasabihan siya na seksi siya at malakas ang sex appeal?
"Hindi naman po, iyakin lang talaga ako."
Sa tinagal-tagal nang usapan, lumabas ang dahilan sa pag-iyak ni
Katrina. Ang dahilan, ang pagkakaintindi pala niya ay parang
paghuhubad lang ang puwede niyang gawin para sumikat siya.
Mula roon, bigla rin niyang naalala ang mga sinasabi sa kanya noon,
na pang-bold lang siya at wala na siyang puwedeng iba pang puntahan.
Kumbaga, naging biktima raw siya nang panlalait ng ibang tao noon.
Hello, hindi `yon ganu`n, `no! Paulit-ulit kong sinabi kay Katrina na
dapat ay matuwa siya dahil pinapansin ang kanyang ganda.
"Okey lang po `yon. Naiyak lang talaga ako. Naalala ko kasi `yung mga
nanlait sa akin noon," say na naman niya.
Ano ba ang mensahe ni Katrina sa mga taong sinasabi niyang
inaalipusta ang kanyang pagkatao?
"Wala po akong pakialam sa kanila!" matigas na sagot nito.
Sa puntong ito, tinapos na namin ang interview kay Katrina. Parang
nawalan kasi ng saysay ang kagustuhan naming iparating sa kanya ang
kanyang kakaibang ganda.
Basta ang alam ko, hindi ko kasalanan kung bakit umiyak si Katrina.
Wala akong intensyong laitin siya, bagkus ay pinuri-puri ko pa nga
siya.
Kung hindi niya naintindihan ang gusto kong iparating na mensahe sa
kanya, wala na akong ma-gagawa roon. Pero sana lang, sa susunod na
magpa-interview siya, mas talasan niya ang kanyang utak at pang-unawa
sa mga itinatanong sa kanya.
Matapos ang ilang minuto mula nang iwanan ko ang grupo nina Katrina,
may nagsabi sa akin na patuloy pa rin ang pag-iyak nito sa harap ng
ibang manunulat.
Siyempre, ako pa rin ang tinuturo nilang dahilan.
Well, hindi ako guilty!
------------------------ Yahoo! Groups Sponsor --------------------~-->
<font face=arial size=-1><a href="http://us.ard.yahoo.com/SIG=12h633i2l/M=362335.6886444.7839734.2575449/D=groups/S=1705767610:TM/Y=YAHOO/EXP=1123571148/A=2894362/R=0/SIG=138c78jl6/*http://www.networkforgood.org/topics/arts_culture/?source=YAHOO&cmpgn=GRP&RTP=http://groups.yahoo.com/">What would our lives be like without music, dance, and theater?Donate or volunteer in the arts today at Network for Good</a>.</font>
--------------------------------------------------------------------~->
Yahoo! Groups Links
<*> To visit your group on the web, go to:
http://groups.yahoo.com/group/sandarapark/
<*> To unsubscribe from this group, send an email to:
sandarapark-unsubscribe@yahoogroups.com
<*> Your use of Yahoo! Groups is subject to:
http://docs.yahoo.com/info/terms/
0 Comments:
Post a Comment
<< Home