Tuesday, July 26, 2005

[Sandara-Park] [SandaraPark_Forever] pauleen luna discovered sandara park (article)


guys, almost 2 months itong article na ito, alam na rin ng mga
parkers sa pex

BULGAR
Most Wanted
Ni Cristy Fermin
May 8,2005

Bibihira ang nakakaalam na si Pauleen Luna ang nakadiskubre kay
Sandara
Park, naganap ito ilang taon na ang nakakraan sa set ng Volta,
nagtatalent-
talent ( pinagandang termino sa salitang extra) pa lang noon ang
Koreana
sa mga pelikula.

Break time nun nang masilip ni Pauleen mula sa bintana si Sandara
nilapitan nya ito, "BAkit diyan ka kumakain, halika, pumasok ka!"
alok ng
dalaga kay Sandy

Noon pa man ay mahiyain na ang Koreana, run pa rin kumakain sa
lilim ng isang puno ang sikat na sikat na ngayong dalaga,
nagkakwentuhan
sila hanggang sa dinala ni Pauleen si Sandy sa Talent CEnter

Sumali na sa Star Circle Quest ang dalaga, napasama sa sampu,
hanggang sa sila na lang ni Hero ang nakatayo sa gitna ng entablado
ng
Araneta Coliseum para sa huling gabi ng labanan.

Natutuwa kami sa ganitong kwento, gusto naming papurihan si
Pauleen sa kagandahang loob niya sa wala pang kapanga-kapangalan
noong
si Sandara Park, bibihira kasi ang artistang sa halip na humarang sa
daan
ng mga nangangarap sumikat ay siya pang hahawi sa daan patungo sa
tagumpay
ng kanilang kapwa.

At natutuwa ring malaman ng kahit sikat na ngayon si Sandara ay
hindi pa rin ito nakakalimot, tumatanaw pa rin ito ng utang na loob
kay
Pauleen, magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon.

Sa kaganapang yon ay kitang kita ang kawalan ng insekuridad sa kata
wan ni Pauleen, hindi sya maramot, tulad nya ay gusto ring
magtagumpay ni
Pauleen ang mga baguhang tulad ni Sandara.

Maligaya ngayon si Pauleeen Luna sa mga magagandang nagaganap ngayon
kay
Sandy, bilog ang mundo sino ang mag aakala na ang dating pa talent
talent lang sa
mga pelikula ng Star Cinema ay bida na ngayon?

At ganung sikat na sikat na si Sandara ay parang hindi pa rin
nakasulat
sa kanyang diksyunaryo ang salitang kasikatan, nakita ng dalawang
mata namin kung
paanong isang Martes nang gabi sa Punchline ay sumenyas sa kanya ang
isang babaeng
magpaparetrato sa kanyang tabi, si Sandy pa mismo ang lumapit sa
dalaga.

May kalayuan ang kanilang pagitan, kaya si Sandy pa ang nagdikit ng
kanyang
ulo sa ulo ng kanyang tagahanga, sabay bigay ng isang napakasenserong
ngiti na hindi
mababayaran nang kahit magkano ninuman

sincerely,
reje
spf mandaluyong friends


Yahoo! Groups Links

<*> To visit your group on the web, go to:
http://groups.yahoo.com/group/SandaraPark_Forever/

<*> To unsubscribe from this group, send an email to:
SandaraPark_Forever-unsubscribe@yahoogroups.com

<*> Your use of Yahoo! Groups is subject to:
http://docs.yahoo.com/info/terms/

0 Comments:

Post a Comment

<< Home